-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa panibagong taas presyo sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.
Base sa pagtaya ng DOE na ang gasolina ay mayroong pagtaas na mula P0.20 hanggang P0.45 sa kada litro.
Habang ang diesel ay maaring walang paggalaw o kaya tataas ng P0.20 sa kada litro.
Magkakaroon din ng pagtaas ang kerosene mula P0.45 hanggang P0.55 sa kada litro.
Ilan sa mga natukoy ng DOE na dahilan ng panibagong taas presyo ay ang pagtigil ng oil production sa Libya at ang patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang aktual na taas presyo ng mga produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.