-- Advertisements --

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas presyo sa sabon, sardinas at powdered milk.

Ang presyo ng toilet o bath soap ay nakikitang tataas ng P1 hanggang P4, ang de latang sardinas naman ay P2 hanggang P3.59 at ang powdered milk ay P3.50 hanggang P6.

Samantala, pinag-aaralan din ng DTI ang rekomendasyon ng ilang manufacturers na taas-presyo sa bottled water, instant noodles, tinapay at iba pang canned products kabilang ang corned beef at meat loaf gayundin sa kandila at mga baterya.

Sa ilalim ng naturang panukala, ang presyo ng gatas ay itataas sa P3.50 hanggang P6, sa tinapay P2 hanggang P2.50, instant noodles P0.30 hanggang P1.75; bottled water nasa P1.00 hanggang P6.00; processed canned meat – P6.00 hanggang P33.00; sa condiments naman nasa P0.60 hanggang P0.65;kandila – P6.00 hanggang P30.00; at battery hanggang P10.00.

Makikita din ang taas presyo sa nasabing mga produkto sa pamamagitan ng e-Presyo.