Ipinanawagan ng Alliance of Health Workers ang maayos na sahod at dagdag benepisyo sa lahat ng nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan.
Ginawa mismo ni Robert Mendoza, National President ng Alliance of Health Workers ang naturang pahayag kasabay ng naging pagdalo nito kahapon sa Peoples SONA sa lungsod ng Quezon.
Ang naturang kilos protesta ay isinagawa kasabay rin ng ikatlong SONA ni PBBM.
Ayon kay Mendoza, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan at marapat lamang na mabigyan ito ng nakabubuhay na SAHOD.
Sa ganitong paraan rin aniya ay hindi na mapipilitan ang mga ito na umalis pa ng bansa para magtrabaho sa ibang lugar.
Ipinanawagan rin nito kay PBBM na nagsagawa ng Mass Hiring dahil karamihan sa mga health workers ay nagtatrabaho pa rin ng 12 hours sa halip na 8 hours lamang.
Samantala, nanawagan naman ng People Power laban kay PBBM si Ret. Col. Leonardo O. Odoño . National Chairman Kilos Pinoy, Tindig Pinoy Movement.
Ayon kay Odoño, wala umanong nagawang mabuti si Marcos sa bansa.
Naniniwala rin ito na ang pagkapanalo ni Marcos Jr. ang dahil sa pandaraya kasabwat ang smartmatic at Comelec.
Tinawag rin nitong state of no achievement ang SONA ng pangulo.