-- Advertisements --

Inaprubahan na rin regional wage boards ang taas sahod para sa mga kasambahay sa Calabarzon at Soccsksargen.

Sa inilabas na Wage Order ng RTWPB Calabarzon, makakatanggap ng P1,500 ang taas sa sahod ng mga kasambahay na nasa cities at first-class municipalities.

Kung kayat ang bagong minimum wage ng mga kasambahay sa naturang mga rehiyon ay nasa P5000 na.

Samantala, makakatanggap naman ng karagdagang P1000 na taas sa sweldo ang mga kasambahay sa mga rehiyon na may emerging growth at resource-based areas o iba pang munisipalidad. Bunsod nito, ang bagong monthly rate ng domestic workers o kasambahay sa naturang mga lugar ay P4,000.

Ang mga domestic workers naman sa Soccsksargen ay makakatanggap ng P500 taas sahod kung kayat ang bagong buwanang minimum wage sa mga cities at first-class municipalities ay PHP4,500 habang PHP4,000 naman sa ibang municipalities.

Magiging epektibo ang dalawang wage orders sa Hulyo 16.