-- Advertisements --

Good News para sa mga kasambahay!

Asahan na sa unang buwan ng taong 2025 ang dagdag sahod para sa mga kasambahay sa Metro Manila at Northern Mindanao.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Department of Labor and Employment ( DOLE ).

Ito ay matapos na aprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang wage order No. NCR-DW-05 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) National Capital Region.

Dahil dito, makatatanggap na ang mga kasambahay mula sa Metro Manila ng dagdag na limang daang piso sa kanilang buwanang sahod.

Sa kabuuan, aabot na sa pitong libong piso ang magiging buwanang sahod ng mga kasambahay sa naturang rehiyon.

Inaprubahan rin ng National Wages and Productivity Commission ang wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region X para sa isang libong dagdag sahod ng mga kasambahay sa rehiyon dahilan para tumaas ang kanilang buwanang sahod sa anim na libong piso.

Bukod dito ay inaprubahan rin ng board ang P23 pesos na taas sa minimum wage ng mga non-agriculture sector at P35 para sa agriculture sector.

Ang minimum rates sa Northern Mindanao ay tumaas na P461 mula sa dating P446 na arawang sahod.