-- Advertisements --
Itinaguyod ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang panukala na naglalayong taasan ang swelso ng mga private nurse sa bansa.
Sa ilalim ng kaniyang House Bill 7784 o Salary Increase for Private Sector Medical Workers Act, ipapantay ng mambabatas ang minimum wage ng mga nurse at medical worker sa private health institutions sa sweldo ng kanilang counterpart na government nurses.
Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan nito, mas mahihimok ang mga private nurse na manatili sa pagserbisyo sa bansa lalo pa’t inalis na ng gobyerno ang overseas deployment ban sa nurses at iba pang private health workers.
Napag-alaman na base sa datos mula sa Department of Labor and Employment, nasa P10,000 lamang ang sahod ng entry-level nurses sa private sector.