-- Advertisements --

Aprubado na ang taas sahod para sa mga kasambahay sa Region 4-A o CALABARZON na magiging epektibo simula sa Marso 7 ng kasalukuyang taon.

Ginawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naturang anunsiyo matapos na mag-isyu ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board IV-A (RTWPB IV-A), na nagmamandato para sa wage increase mula P750 hanggang P1,750 para sa mga kasambahay sa rehiyon.

Sa ilalim ng wage order, ang sahod ng mga kasambahay sa mga siyudad at first-class municipalities ay tataas sa P6,000 hanggang P6,750 habang ang mga nasa ibang munisipalidad ay makakatanggap ng increase na P6,750 mula sa P5,000.

Saklaw sa wage increase ang mga house helper, nannies, tagaluto, mga hardinero, laundry personnel at iba pang household staff, mapalive-in man o hindi.

Kung saan dapat na matanggap ng mga domestic workers ang kanilang sahod kada buwan nang walang kaltas maliban na lamang kung minamandato ng batas.

Hinimok naman ng DOLE ang mga employer na sumunod sa bagong wage rates at nagbabala na maaaring maharap sa penalties ang mga lalabag dito sa ilalim ng Domestic Workers Act.