-- Advertisements --

Nagsimula na kahapon ang effectivity ng taas singil ng Maynilad at Manila Water para sa kanilang mga consumer.

Mula kahapon ay epektibo na ang P61.04 per cubic meter na singil sa kunsumo sa tubig at ito ay may P5.95 na pagtaas kumpara sa dating P55.08 per cubic meter para sa mga consumer ng Manila Water.

Para naman sa mga residential consumer ng Maynilad ay epektibo na ang P7.32 per cubic meter na dagdag tariff rate simula ngayong buwan ng Enero.

Dahil dito ay aabot na ang average water rate sa P65.62 per cubic meter mula sa dating P58.30 per cubic meter.

Una nang inanunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office ang inaprubahang pagtaas ng water service rates para sa naturang mga concessionaires.

Umabot naman sa P32.668 billion ang ginastos ng Manila Water para sa water and wastewater project sa naturang taon.

Gumastos rin ang Maynilad ng P47.591 billion o katumbas ng kanilang 83% capex target para sa taong 2023-2024.