-- Advertisements --
Maaring sa unang quarter ng 2024 na ipapatupad ang taas-singil sa pasahe ng Metro Rail Transit-3 )MRT-3.
Sinabi ni Department of Tranportation Undersecretary Timothy John Batan na ito ang target date ng nasabing fare-increase ng MRT-3.
Dagdag pa nito na ang pagtaas ng pasahe ay katulad ng ipinatupad sa LRT Lines 1 at 2 na mayroong P2.29 dagdag bilang boarding fee at dagdag na P0.21 sa kada kilometro.
Ang nasabing pagtaas singil sa pamasahe ay para magamit ng gobyerno sa pagpapanatili ng tamang pagtakbo ng mga tren.
Mahalaga ang nasabing taas pasahe para mabawasan ang halaga ng inilalaan ng gobyerno para masubsidize ang operasyon ng tren.
Noong Agosto ng maging epektibo ang taas pasahe sa LRT-1 and 2.