-- Advertisements --
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang dagdag singil sa bill ng kuryente ngayong buwan ng Disyembre.
Aakyat ng P0.1048 per kilowatt-hour ang magiging singil ng kumpanya sa bawat kokonsumo ng mga sumusunod sa ibaba:
- 200 kWh – P21
- 300 kWh – P31
- 400 kWh – P42
- 500 kWh – P52
Paliwanag ng Meralco na ang dagdag singil ay dahil sa mas mataas na singil ng generation at transmission charges ng kanilang electricity supplier.
Dagdag pa nito, tumaas din daw ang charge sa kanila ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na tumaas ng P0.2531 per kWh habang ang Power Supply Agreements (PSAs) naman ay umakyat sa P0.1839.