Magiging epektibo na sa Marso 2 ang pagtaas ng singil sa toll ng North Luzon Expressway o NLEX.
Base sa abiso ng NLEX na ang open system mula Balintawak hanggang Marilao, Bulacan exit ay magtataas ng P5 para sa Class 1 na sasakyan, P13.00 naman sa Class 2 at P15.00 naman para sa Class 3.
Ang bagong toll sa open system ay magiging P79 para sa Class 1 na sasakyan, P199 naman sa Class 2 at P238 naman sa Class 3.
Kabilang din dito ang Caloocan at Mindanao Avenue exits sa Quezon city.
Ang Class 1 ay mga regular na kotse, SUV habang ang Class 2 ay mga buses at maliliit na trucks at ang Class 3 ay mga malalaking trucks.
Samantala ang end-to-end toll ay magigin P416 para sa Class 1 na sasakyan, P1,039 para sa class 2 at P1,247 para sa Class 3.
Ang mga motorista naman na gagamit ng NLEX mula Balintawak patungong Sta. Ines sa Pampanga ay magbabayad ng dagdag na P57 para sa Class 1 na sasakyan, P142 para sa Class 2 at P171 para sa Class 3.
Ang bagong end-to-end toll ay magiging P416 sa Class 1 , P1,039 sa Class 2 at P1,247 sa Class 3.
Depensa ng Toll Regulatory Board, na ang toll hike ay base sa kanilang petition nila noon pang 2022 pero hindi naipatupad noong 2023.