Inaprubahan ng Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang request para sa taas-singil sa tubig ng dalawang concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Ito ay matapso na hilingin ng Manila Water ang water rate hike dahil kailangan ng pondo para sa P180 billion operational expenses nito para sa susunod na limang taon.
Saklaw ng sinusuplayan ng Manila water ang nasa 23 siyudad at munisipalidad sa Metro Manila at Rizal.
Sa Manila water, ang rate hikes ay nasa P8.04 per cubic meter (cm3) ang taas singil para sa 2023, PP5.00/m3 para sa 2024, P3.25/m3 para sa 2025, P1.91/m3 para sa 2026 at P1.05/m3 para naman sa 2027. Kasama ang new water source , ang rates para sa taong 2026 at 2027 ay tataas ng P3.00/m3 at 1.08/m3.
Sa Maynilad naman, humiling ito ng taas singil sa tubig para sa P150 billion expansion ng knailang service areas.
Saklaw nito ang ang 17 siyudad at munisipalidad na binubuo ng West Zone ng malaking bahagi ng Metro Manila area.
Hiniling nito na magkaroon ng P3.29/m3 hike para sa 2023, P6.26/m3 para sa 2024, P2.12/m3 para sa 2025, P0.84/m3 para sa 2026, at P0.80/m3 para sa 2027. Sa bagong water source naman ang magiging rates para sa 2026 at 2027 ay itatatas sa P1.01/m3.