-- Advertisements --

Hindi naitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ng 7-footer na si Kai Sotto.

Kai Sotto

Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan.

Dagdag pa ni Baldwin, habang tumatagal ay nagkakaroon ng magandang improvements ang mga laro nito.

Naging malapit na rin aniya ang 18-anyos na Sotto sa mga miyembro ng national team kaya maganda aniya ang kanilang game chemistry.