Nakatakda umanong patawan ng parusa ng PBA Commissioner’s Office si dating Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin dahil sa umano’y reklamo nito sa officiating at sa paraan ng pagpapatakbo sa liga.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, posibleng pagmultahin o suspendihin si Baldwin dahil sa sinabi nitong may double standards daw sa pagtrato ng mga PBA referees at officials sa mga local players at imports.
Naniniwala si Marcial na hindi maganda para sa liga ang naging komento ni Baldwin at kailangan itong matugunan.
Nang matanong naman kung nasa hurisdiksyon ng liga ang project director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), inihayag ni Marcial na tumatayo rin ngayon si Baldwin bilang assistant ni head coach Mark Dickel sa TnT Katropa.
Mariin namang itinanggi ni Marcial na iba ang pagtrato ng mga referees at ibang opisyal sa mga banyagang players, kung saan ang mga imports pa raw ang nagrereklamo sa officiating.
“Mas marami pa ngang reklamo ang mga imports keysa sa mga locals,” ani Marcial.