-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $25,600 o mahigit P1.2-M ang table tennis racket na ginamit ng actor na si Tom Hanks sa pelikulang “Forrest Gump”.

Ayon sa Julien’s Auctions, na hindi sila makapaniwala na mabibili sa ganun na presyo ang nasabing paddle.

Sa unang pag-aakala nila ay aabot lamang sa $1,000 hanggang $2,000 ang nasabing table tennis rackets.

Hindi na inilabas pa ang pagkakakilanlan ng nakabili ng raketa na mayroong 10 pulgada ang haba at anim na pulgada ang lawak.