TACLOBAN CITY – Opisyal nang idineklara an state of calamity sa siyudad ng Tacloban dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Ito ay matapos na mapagkasunduan ng mga miyembro ng sanguniang panglungsod sa ginawang special session para sa naturang krisis.
Ayon kay Tacloban Vice Mayor Jerry Sambo Yaokasin na inaprubahan ng sanguniang panglungsod ang request ni Mayor Alfred Romualdez na isailalim na sa state of calamity ang siyudad para masolusyonan ang patuloy na tumataas na kaso ng dengue hemorrhagic fever.
Ibig sabihin nito ay pwede nang magamit ang calamity fund ng siyudad para sa mitigating measures na gagamitin ng mga ospital, mga dengue patients, pagbili ng fogging machines, larvicides, dengue test kits at iba pang equipment.
Mapapag-alaman na maliban sa syudad ng Tacloban ay nauna na ring ideneklara an state of calamity sa probinsiya ng Leyte.