-- Advertisements --
wescom3

Itinalaga bilang bagong Western Command (WESCOM) Commander si
Lieutenant General Erickson Gloria na kilalang isang tactical at rescue pilot.

Mismong si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos ang nanguna sa turn over ceremony ng TDCS kanina sa Kampo Aguinaldo.

Papalitan ni Lt. Gen. Gloria si WESCOM Commander VAdm Rene Medina na nakatakda nang magretiro sa May 28, 2020 matapos ang 38 years na military service.

wescom1

Si Gloria ay dating nagsilbing Deputy Chief of Staff for Personnel, J1; Wing Commander, 205th Tactical Helicopter Wing; Deputy Commander, Air Mobility Command; and Deputy Commander, Air Logistic Command at iba pang mga matataas na posisyon sa Philippine Airforce.

Nagsilbi rin si Gloria bilang tactical and rescue pilot at humahawak ng command pilot rating sa Philippine Air Force.

Nabigyan din siya ng award dahil sa pagiging flight commander, test pilot, at instructor pilot ng UH-1H at Bell 205 helikopter.

Samantala, ang pumalit sa pwesto ni Gloria bilang AFP TDCS si AFP Inspector General Lt. Gen. Antonio Ramon Lim.