-- Advertisements --

Aminado si PNP chief police Director Genera Ronald dela Rosa na limitado pa sa ngayon ang kanilang impormasyon kaugnay sa pagkaka-aresto sa mag asawang banyaga na miyembro ng ISIS na inaresto kamakailan sa Taguig City.

Sinabi ni Dela Rosa ba kabilang ang intel community ng PNP kasama ang Bureau of Immigration (BI) ang nagtrabaho para mahuli ang mga ito.

Sa ngayon ongoing ang isinasagawang tactical interrogation sa mag asawa para makakuha pa ng mga mahahalaga at sensitibong impormasyon.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na kanilang ibabahagi sa publiko kung anuman ang kanilang makukuhang significant na detalye sa mag asawang ISIS.

Giit ni PNP chief na dapat din malaman ng publiko ang ilang mga impormasyon kaugnay sa mga umanoy planong aktibidad ng teroristang grupo.

Pagbibigay-diin ni Dela Rosa na sa ngayon wala silang natatanggap na alarming na mga impormasyon kaugnay sa aktibidad ng teroristang grupo.

“It will take time and then we will update kapag may nakuha tayo na very
significant na kailangan kaagad malaman ng publiko ipapaalam natin
yan. so far wala pa tayong natanggap kasi kung merong alarming
information regarding their activities in the Philippines,” pahayag ni Dela Rosa.

Sa kabilang dako, nasa kustodiya na ng Philippine Army ang mag asawang miyembro ng ISIS.