-- Advertisements --
Nakuha ni Filipino southpaw boxer Pedro Taduran ang IBF minimumweight belt matapos na patumbahin sa ika-siyam na round si Ginjiro Shigeoka ng Japan.
Umanii ng paghanga sa 27-anyos na Pinoy boxer mula sa nanood sa Shiga Daihatsu Arena sa Otsu City.
Sa loob ng siyam na round ay pinaulanan ni Taduran ng mga suntok ang Japanese boxer kung saan nagdesisyon na ang referee na si Steve Willies na itigil na lamang ang laban.
Mayroon ng 17 panalo, apat na talo at isan draw na mayroong 13 knockouts si Taduran at para mabawi ang IBF 105 lbs. crown na kaniyang nahawakan mula 2019 hanggang 2021.
Siya na ang pangalawang Filipino world champion kasunod ni Melvin Jerusalem na may hawak ng WBO mini-flyweight crown.