BUTUAN CITY – Magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Taekwondo Championships na gagawin sa Jordan sa susunod na buwan ang binatilyo mula sa Butuan.
Kinilala itong si Timothy John Arcabos, 17-anyos na taga-Barangay Ampayon at nagtapos sa Agusan National High School.
Ito’y matapos siyang magkampeon sa 14th ASEAN Taekwondo Federation Championships na isinagawa sa Pasay City.
Nakalaban ni Arcabos ang mga taekwondo jins mula Singapore, Vietnam, Cambodia, Malaysia at Myanmar, kung saan siya ang nakasungkit sa gold medal para sa feather weight under 55 category.
Dahil sa kanyang tagumpay, magiging scholar at varsity na ito sa Far Eastern University, aktibo na ring miyembro ng University Athletics Association of the Philippines, naging gold medlist at naging most valuable player pa noong Setyembre 2018.
Sa ngayo’y naghahanda na si Arcabos para sa kanyang laban sa Jordan sa darating na Hulyo 20 hanggang 23.