-- Advertisements --
Nakapagtala ng bronze medal si Taekwondo jin Patrick King Perez sa 19th Asian Games.
Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa torneo na nagaganap sa Hangzhou, China.
Nakapasok ito sa semifinals sa men’s individual poomsae event laban kay Ma Yun Zhong ng Chinese Taipei pero nabigo siya.
Nagwagi ng silver medal si Ma habang natalo siya kay Kang Wanjin ng Korea.
Magugunitang noong 2018 Asian Games ay nagkamit ang Pilipinas ng apat na gold medals, dalawang silver at 15 bronze medals.