-- Advertisements --

Nagtala ng mga medalya ang Philippine national taekwond team sa sinalihan nilang World Taekwondo Online Poomsae Open Challenge III na ginanap mula Setyembre 26- Oktubre 31, 2021.

Nanguna si Angelica Gaw na siyang tanging nakakuha ng gold medal sa Under 30 division ng open individual category.

Pumangalawa naman si Jun Ninobla sa Under 60 division ng men’s national team individual category.

Pangalwang puwesto rin ang nakuha ni Justin Kobe Macario sa Over 17 division ng men’s national team freestyle category.

Nagtapos rin sa second place ang magkapatid na Vincent Gabriel Rodriguez at Paul Anthony Rodriguez sa sibling division ng family pair category.

Pangatlong puwesto naman ang nakuha ni Janna Dominque Oliva sa Over 17 women’s national team freestyle category.

Isang uri ng virtual competition ang World Taekwondo Online Poomsae Open Challenge III kung saan ang mga kalahok ay magsusumite ng mga video bilang kanilang entries sa torneo.