Naghain ng rekamo sa Philippine Competition Commission laban sa Philippine Taekwondo Association (PTA) si two-time Olympian Donnie Geisler.
Bagamat hindi na binanggit nito ang nasabing reklamo subalit ayon sa abogado nito, may kaugnayan ito sa ginawang pagpapaliwanag ng PTA sa dalawang Southeast Asian Games winner na nakibahagi sa online taekwondo training sessions nito.
Magugunitang nagsumite ng letter of apology na courtesy of resignation na pinatawad naman ng PTA sina SEA Games winners na Samuel Morrison at Arven Alcantara.
Pinayuhan na lamang ng PTA ang mga ito na pagtuunan na lamang nila ng pansin ang mga kanilang nalalapit na laban sa Tokyo Olympics.
Nagsasagawa kasi si Geisler ng online session para magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan habang nasa loob ng bahay.