-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hinimok ni Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr. ang mga Kabakeño na mag-ingat at laging maging handa.

Kaugnay ito sa mga nararansang pag-uulan sa bayan nitong mga nakalipas na araw.

Batay sa ulat ng PAGASA, nalalapit na ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

Samantala, siniguro ng alkalde na 24/7 na nakabantay at handang magresponde ang lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, PNP, BFP, at Kabacan Incident Quick Response Team sa anumang sakuna.

Matatandaan na noong mga nakalipas na taon ay binaha ang bayan ng Kabacan dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Inayos na rin ng LGU-Kabacan katuwang ang DWPH ang mga drainage canal sa town proper para hindi bumara ang tubig kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Pinaalalahanan din ni Mayor Guzman Jr ang mga barangay officials sa pangunguna ni Association of Barangay Captain President (ABC) ng Brgy Poblacion Chairwoman Evangeline Pascua-Guzman na bantayan ang kanilang mga nasasakupan lalo na ang mga lugar na may mga naranasan ng pagbabaha.