-- Advertisements --
Pormal nang idineklara ng mga eksperto at ng Department of Science and Technology (DOST) ang ganap na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng state weather bureau, pasok na pamantayan ang mga nakaraang pag-ulan.
Kabilang na rito ang pinalakas na hanging habagat ng bagyong Betty.
Maliban sa Luzon, may mga pag-ulan din kasing naranasan sa Visayas at Mindanao.
Ang tag-ulan sa Pilipinas ay karaniwang nagsisimula tuwing buwan ng Hunyo at tumatagal hanggang Nobyembre.
Sa kabila nito, nagbabala naman ang ahensya sa posibleng mababang antas ng ulan kumpara sa mga nakaraang taon dahil sa El Nino phenomenon sa mga susunod na buwan.