-- Advertisements --

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kabuuang 5,008 na nakapasa mula sa 7,746 na kumuha ng Nurse Licensure Examination (NLE) ngayong buwan.

Sa listahan ng PRC, nanguna si Haydee Bacani ng Philippine Women’s University (PWU)-Manila na nakakuha ng 89.40 percent. Sumunod naman ang mula sa Angeles University Foundation sa pamamagitan ni Liezl Mercado Tuazon na may 89% average.

Narito ang mga nakapasok sa Top 10:

Nursing Top 10 July 2021
Nursing Top 10 July 2021 2

Samantala, tinukoy bilang top-performing school ang Saint Louis University matapos makuha ang 100 percent passing rate para sa kanilang 75 nursing students na kumuha ng pagsusulit.

Pumangalawa ang Saint Paul University sa Tuguegarao at University of Pangasinan na tabla sa 96.08 passing rate, o 49 passers mula sa 51 examinees.

Ang resulta ng Nursing Licensure Exam ay isinapubliko ng PRC, 10 araw matapos ang pagsusulit nitong July 3 at 4.

Isinagawa ang board exam sa mga lungsod ng Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.