-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang manggagawa sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Mario Dela Cruz,42 anyos,may asawa,taga sungkit ng bunga ng niyog at residente ng Purok 7 Barangay Sudapin Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na nasa duyan at natutulog ang biktima sa kilid ng pugon (kalan) ng niyog di kalayuan sa kanyang tahanan ng biglang dumating ang mga hindi kilalang suspek na pawang nakamaskara at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo papasok ng town proper.

Sinabi ng pamilya ng biktima na mabait ito at walang kaaway sa kanilang lugar kaya hustisya ang kanilang sigaw sa sinapit nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.