-- Advertisements --

Itinalaga ng Commission on Elections si John Rex Laudiangco bilang tagapagsalita at acting director ng education and information department (EID) nito, epektibo ngayong araw, Setyembre 17.

Si Laudiangco, na dating direktor ng Comelec law department, ay pumalit kay James Jimenez na nagretiro kamakailan.

Inaprubahan ni Comelec chair George Erwin Garcia ang bagong pagtatalaga ni Laudiangco sa isang memorandum na may petsang Setyembre 15.

Si Laudiangco ay hinirang bilang acting spokesperson ng Comelec noong Mayo ng noo’y si Saidamen Pangarungan pa ang Comelec chairman.

Sa hiwalay na memorandum, inilipat din ni Garcia ang mga pangunahing tauhan ng Comelec, kabilang si Frances Arabe, mula sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Director III ng education and information department (EID) upang maging Acting Director III ng Election and Barangay Affairs Department.

Ilang opisyal din ang itinalaga sa mga ad hoc na posisyon tulad ni Executive Director Bartolome Sinocruz, Jr. na pinangalanan bilang pangkalahatang supervising head ng Omnibus Election Code Revision Project.

Pinangalanang co-vice head ng ad hoc Omnibus Election Code Revision Project ay sina Deputy Executive Director for Operations Teopisto Elnas, Jr. at Deputy Executive Director for Administration Helen Aguila-Flores.

Ang Direktor ng Law Department IV na si Maria Norina Tangaro-Casingal ay itinalaga rin bilang pinuno ng ad hoc Committee on the Amendment and Revision of Laws.

Si Maria Theresa Yraola ay hinirang na pinuno ng ad hoc Comelec Academy.

Si Albert Leonard Rodriguez ay itinalagang Acting Director III ng Law Department.

Top