-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ipinaliwanag ni Dennis Domingo, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) 12 kung bakit 147 lamang sa mga rice retailers sa buong rehiyon ang nakatanggap ng P15,000 sustainable livelihood cash assistance.

Ayon sa kanya, nakabase lamang sila sa isinumiteng listahan ng Department of Trade and Industry(DTI) sa kanilang tanggapan bilang batayan para makatanggap ng benepisyong ito.

Sa kanyang pahayag na mayroon lamang 19 na rice retailers ang nakatanggap ng cash assistance mula sa GenSan at 20 naman sa Sarangani Province.

Ang assistance na ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng gobyerno matapos ipatupad ang rice price cap.

Sinabi naman ni Dominggo na nagpapatuloy na ang kanilang pamamahagi ng dagdag na trance ng cash assistance.

Matatandaan na exempted na ang pamimigay ng cash assistance mula sa election spending ban ng COMELEC.