-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang tagapagsalita ni Russian President Vladmir Putin na si Dmitry Peskov.
Sinabi nito na kasalukuyan na itong nagpapagaling sa isang pagamutan.
Siya na ang pang-apat na senior government official ng Russia na nagpositibo sa nasabing virus.
Magugunitang unang nagpositibo sa virus sina Prime Minister Mikhail Mishustin, Culture Minister Olga Lyubimova at Construction Minister Vladmimir Yakushev.
Paglilinaw naman ni Peskov, mahigit isang buwan na nang huling makasalamuha niya ang Russian President kaya walang dapat na ikabahala si Putin.