-- Advertisements --

Patuloy pa na iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard kung saan nagmula ang oil sheen na nakita sa Iloilo River sa porsyon ng Barangay Libertad, Lapuz, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Coast Guard Ensign Frank Ivoh Dunque, deputy commander for administraion ng Philippine Coast Guard -Iloilo, sinabi nito na maaaring mula ito sa fishing vessels na dumadaan o sa mga barko na malapit lang sa lugar.

Ayon kay Dunque, nang na-ireport ang oil sheen o leak noong weekend, kaagad ring nagsagawa ng containment measures ang Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng paglagay ng oil spill booms at pag-deploy ng rubber boats.

Tiniyak rin nitong wala nang panibagong tagas sa Iloilo River.

Una nang ikinababahala ng mga residente sa Barangay Libertad at sa malalapit na barangay ang posibleng masamang epekto ng tagas ng langis sa mga mangingisda at maging sa kanila na mga mga residente.