-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walang pagsidlan ng galak ang isang senior citizen matapos palarin bilang isa sa mga winners ng 1, 2 Panalo Part 21 ng Bombo Radyo at Star FM Part 21.

Nabunot ang pangalan ni Samson Baldomar, 72 anyos, taga-Km. 4, San Antonio, Bajada, Davao City bilang Regional Winner sa Mindanao Area.

Gamit ang proof of purchase ng Nescafe Creamy White Twin Pack, napanalunan ni Tatay Samson ng tumatagingting na P50,000 cash!

Ayon kay Tatay Samson, lubos ang kanyang kaligayahan nang narining niya ang kanyang pangalan. Naging tagasugid na entry sender sa mga promo ng Bombo Radyo Davao si Tatay Samson mula pa noong taong 1996.

Sikreto pa nga nya na linggo-linggo siyang naghuhulog ng isandaang entries.

Naging emosyonal si Tatay Samson dahil aniya, malaking tulong ang kanyang napanalunan sa kanyang pamilya lalo na mayroon silang binabayarang lupa.

Samantala, nanalo si Clarita Alejo, 83 anyos na taga Brgy. 22, Laoag City, bilang Regional Winner mula sa Luzon gamit ang POP na Nescafe; habang napanalunan naman ng Visayas Regional Winner na si Ma. Elena Manukan na taga-Bolilao, Manduriao, Iloilo ang P50,000 gamit ang POP na Nescafe Original.

Sa NCR naman, panalo si Edgardo Quimsay, taga-530 Nawasa West, GBI, San Mateo, Rizal; gamit ang POP na Silver Swan Sukang Puti.

Ang panghuli, ngunit pinaka-maswerteng Ka-Bombo na nanalo ng Grand Prize na P1 million ay walang iba kundi si FUNNY T. FALSARIO, taga-BRGY. MATANGCONG, SIGMA, CAPIZ.

Gamit ang proof of purchase na NESCAFE CREAMY WHITE TWIN PACK!

Taos-pusong pasasalamat para sa mga sumali at nanalo sa 1, 2 Panalo Part 21 ng Bombo Radyo at Star FM na buong puso ring inihatid ng Lady’s Choice Mayonnaise, Nescafe Coffee, Orocan ug Silver Swan Sukang Puti.

Abangan ang iba pang mga pasabog na promo na hatid ng nag-iisang Radio Promo Capital ng Bansa, Bombo Radyo Philippines!