-- Advertisements --
Balik trabaho na sa Rome si Cardinal Luis Antonio Tagle matapos ang halos isang buwang pagbisita nito sa bansa.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), nitong Linggo ng makabalik na sa Roma si Tagle at ipinagpatuloy ang trabaho bilang prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples.
Magugunitang bumalik ng bansa si Tagle para bisitahin ang magulang na nasa Imus, Cavite.
Nagkaroon lamang aberya ang pagbisita nito ng dapuan ito ng coronavirus.