Hindi rin nagpahuli si Cardinal Luis Antonio Tagle sa pagbati sa papalit sa kanya bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Manila na si Cardinal Jose Advincula.
Kung maalala ilang taon na rin na walang arsobispo ang arkidiyoses matapos na italaga ng Santo Papa si Tagle sa ilang matataas na posisyon doon sa Vatican.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot din ng ilang payo ang kanyang kabunyian sa bagong kardinal mula sa lalawigan ng Capiz.
Naikuwento rin sa unang pagkakataon ni Cardinal Tagle kung ano ang kanilang naging usapan noon ni Cardinal Joe (Advincula) nang hirangin ito ni Pope Francis bilang isa sa apat na lamang na living cardinals ng Pilipinas na kinabibilangan nina Cardinal Orlando Quevedo, Cardinal Tagle at Cardinal Gaudencio Rosales.
Hindi raw makapniwala si Advincula kung bakita sisya pa ang naitalaga.
Paliwanag naman ni Tagle, ‘maituturing siyang “blessings” sa mga nasasakupan.
Samantala, bukas ng alas-8:30 ng umaga itinakda ang installation kay Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Maynila.
Ang mga lungsod na nasa ilalim ng Archdioses of Manila ay Makati, Mandaluyong City, Pasay City, San Juan City at ang lungsod ng Maynila