Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.
Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church.
Sakop nito ang mga bansang Egypt and the Sinai peninsula, Eritrea and Northern Ethiopia, Southern Albania and Bulgaria, Cyprus, Greece, Iran, Lebanon, Palestine, Syria, Jordan and Turkey.
Sa kasalukuyan ay Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples din si Tagle.
Mula nang dumating sa Vatican noong February 2020, itinalaga rin ng Santo Papa si Tagle bilang member ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at sa Administration of the Patrimony of the Apostolic See (APSA) o ang katumbas ng Vatican central bank.