-- Advertisements --
Ginawaran ng bansang France si Cardinal Luis Antonio Tagle na pinakamataas na French order of merit.
Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na iginawad sa Rome ni Ambassador of France to the Holy See Florence Mangin kay Tagle ang officer of the Legion of Honor.
Ang nasabing pagkilala ay dahil sa walang sawang tulong ni Tagle sa mga mahihirap sa pamamigtan ng kani yang social projects at mga adbokasiya.
Si Tagle ay siyang Filipino pro-prefect of the Dicastery for Evangelization ng Vatican.
Ang Legion of Honor distinction, na ipinakamataas na French order of merit, ay itinaguyod ni Napoleon Bonaparte in 1802 at ito ay ibinibiga sa mga taong may malaking kontribusyon sa society.