-- Advertisements --

Hinikayat ni Cardinal Antonio Luis Tagle ang mga mamamayan na isama sa kanilang panalangin ang mga biktima ng Taal Volcano.

Sa pamamagitan na inilabas na memorandum ni Fr. Reginald Malicdem, ang Chancellor of the Roman Catholic Archbishop of the Philippines, na dapat ipanalangin ang mga biktima ng pagsabog ng Taal volcano.

Magkaroon rin aniya ng pagdarasal ang mga pari sa kada misa na nakalaan sa kaligtasan ng mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Kung maari aniya ay magkaroon ng pangalawang collection sa kada misa para maibigay na tulong sa mga biktima.