-- Advertisements --

Ipinagdasal ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang kaligtasan ng mga mamamayan na nasa Gitnang Silangan.

Isinabay ni Tagle ang pagdarasal sa kaniyang sermon sa misa na isinagawa sa Quirino Grandstand kasabay ng pagdiriwang ng piyesta ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Manila Archbishop, na mahalaga na alalahanin ang mga tao na naninirahan sa Gitnang Silangan.

Magugunitang nagkaroon ng tensiyon matapos na mapatay ng US ang top military general ng Iran na si Qasem Soleimani.