-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang Cardinal-Bishop.
Ito na ang pinakamataas na posisyon sa mga Cardinals sa Simbahang Katolika.
Magugunitang nitong nakalipas na buwan ng Pebrero ay unang itinalaga ng Santo Papa si Tagle sa Vatican sa Congregation for the Evangelization of Peoples.
Kahalintulad ito ng posisyon niya bilang isang cabinet secretary to the Roman Pontiff.
Ang bagong posisyon ngayon ni Tagle ay itinuturing na “highest order in the College of Cardinals.”
Ito na ang pinakamataas na posisyon ng naabot ng isang Filipino cardinal sa Vatican.
Kung maalala naging arsobispo si Tagle sa Manila Archdiocese mula 2011 hanggang taong 2019.
Anunsiyo ng Vatican sa promosyon ni Cardinal Tagle.