-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni Luis Antonio Cardinal Tagle, ang Prefect Congregation for the Evangelizatio of People ng Vatican at dating arsobispo ng Manila archdiocese, matapos ang matagumpay na operasyon nito sa matas.
Ayon kay Father Gregory Ramon Gaston, rector of the Pontifico Collegio Filipino, natuklasan ng doctor ang maliit na sugat sa retina sa kaliwang mata ni Tagle kaya agad nila itong inoperahan.
Hindi naman aniya nakaranas ng anumang sakit si Tagle at pinayagan naman itong manood ng telebsiyon at humarap sa computer.
Kailangan lamang aniya nito ng ilang araw na pahinga para maiwasan ang paggalaw ng ulo nito.