Good news para sa mga OFW na undocumented o tago ng tago sa bansang Italya.
Inaprubahan na kasi ng kanilang gobyerno na maaari ng maging regular ang mga dayuhang manggagawa na walang ligal na papel o hindi dokumentado.
Inabot din ng 10 taon bago pagtibayin ang tinatawag na “sanatoria” na magbibigay daan sa regularization ng mga undocumented workers.
Inaasahang mahigit sa kalahating milyong mga illegal workers ang makikinabang.
Ang Italy ay kabilang sa mga bansang pangunahing destinasyon ng mga manggagawang Pinoy.
Sinasabing mula June 1 hanggang July 15, 2020 lamang ang pagsusumite ng aplikasyon at pangunahing kailangan ang pasaporte.
Sa kabila nito nangangamba ang grupong Migrante na hindi makahabol ang ilang mga OFWs dahil sa umiiral na pandemya
Nagpaliwanag naman si Prime Minister Giuseppe Conte na ang hakbang na gawing regular ang mga undocumented ay para maiwasan ang labor abuse at mabigyan sila ng health care benefits maging mga illegal workers.