Inihayag ng Department of Science and Technology na ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro ay inaasahang makakaranas ng tagtuyot sa katapusan ng Disyembre 2023.
Ang tagtuyot ay nangyayari kapag mayroong higit sa animnapung porsyentong pagbawas sa karaniwang pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.
Ang forecast ay batay sa actual na pag-ulan na naobserbahan mula Hulyo hanggang Nobyembre.
Ang kasalukuyang yugto ng El Niño ay maaaring tumindi pa sa mga darating na buwan at magpatuloy hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.
Dalawampung probinsiya ang maaari ding makaranas ng dry spell:
Ito ay ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Palawan, Misamis Occidental, at Sulu.
Samantala, pitong probinsya ang inaasahang makararanas ng dry condition sa pagtatapos ng taon, kabilang ang Abra, Ilocos Norte, Batanes, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro, at Antique.
Ngayong Disyembre, mas mababa sa normal na pag-ulan ang tinataya sa Northern at Central Luzon at sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng normal na mga pag-ulan.