CENTRAL MINDANAO – Nakubkob ng militar ang taguan ng mga armas ng mga terorista sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade commander Brig. Gen. Robert Capulong na tumanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa presensya ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Nabalawag, Midsayap, North Cotabato.
Agad na nagsawaga ng law enforcement operation ang 34th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Gleen Caballero at Midsayap PNP kasama si Lt. Col. John Miredel Calinga.
Papasok pa lamang ang pulisya at militar sa kuta ng BIFF ay agad itong tumakas at iniwan ang kanilang mga armas.
Narekober ng mga otoridad ang dalawang M16 armalite rifles, isang M14 rifle, mga magazine, bandoleers at mga bala.
Nagpsalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division chief, Maj. Gen. Diosdado Carreon sa mga sibilyan na tumutulong sa kanila at nagbibigay ng impormasyon sa presensya ng BIFF.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Midsayap, Cotabato kasunod ng mga pagsabog sa bayan ng Libungan at Cotabato City.