CENTRAL MINDANAO-Narekober ng militar ang mga matataas na uri ng armas na tinatago ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na tumanggap sila ng impormasyon sa mga tinatagong armas ng NPA sa Sitio New Israel Brgy New Abra Matalam North Cotabato.
Agad nagsagawa ng Law Enforcement Operation ang tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army katuwang ang pulisya ngunit mabilis na nakatakas ang mga rebelde.
Narekober sa loob ng kuta ng mga rebelde ang isang M16 Armalite rifle,dalawang kalibre.45 na pistola,dalawang caliber 30 M1 Garand rifles, isang Carbine Rifle,dalawang backpacks,mga bala, mga magazine at mga personal na kagamitan.
Matatandaan na napatay sa operasyon ng 90th IB si Zaldy Gulmatico Pulido Secretary ng Front Committee 53 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) sa Sitio Rudson Barangay Arakan Matalam Cotabato.
Tiniyak naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa mga Armed Lawless Groups (ALGs) NPA,BIFF at ibang grupo na banta sa seguridad ng mamamayan sa Central Mindanao.