-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nadiskubre ng mga sundalo ang mga matataas na uri ng armas sa kuta ng mga terorista sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Cirilito Sobejana na nagpatupad ng Law Enforcement Operation ang pwersa ng 2nd Mechanized Infantry Battalion Philippine Army sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Alvin Iyog sa Brgy Kauran Ampatuan Maguindanao.

Narekober sa dalawang bahay na target nang operasyon ang tatlong M16 Armalite rifles,dalawang M14 rifles,isang M79 grenade launchers at mga bala.

Ang mga armas ay pag-mamay-ari nina Nords Plantis at Guialil Mohamad Dalundong na mga myembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakatakas nang matunugan ang paparating na mga sundalo.

Sina Dalundong at Plantis ay sangkot sa illegal drug trade at pambobomba sa ibat-ibang lugar sa Central Mindanao.

Ang mga suspek ay patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.