-- Advertisements --

Niyanig ng pagsabog ang ammunition depot ng Russsia.

Ayon sa defense ministry office ng Russia, naganap ang insidente sa ammunition warehouse sa defense facility sa wester Vladimir region.

Ang nasabing lugar ay siyang pangunahing lugar kung saan itinatago ang mga armas at bala ng mga sundalo ng Russia.

Itinuturong dahilan ang maaring isa sa mga bala ang sumabog na siyang yumanig sa buong bodega.

Dahil dito ay nagdeklara ang Krizhach district ng state of emergency at ang mga residente sa kalapit na lugar ay kanilang pinalikas.