Nagkasundo ang Taguig local government unit at ang isang cold-chain firm para sa gagawing Covid-19 vaccine storage ng siyudad.
Ito ay para matiyak na ligtas na naka imbak at ang pag transport sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines para sa mga constituents nito sa sandaling maideliver na ang itinuturing na life-saving jabs.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, layon ng kanilang partneship sa ORCA Cold Chain Solutions ay para matiyak na mayroong sapat na storage room para sa mga pre-ordered vaccines ng siyudad at maging ng iba pang mga siyudad sa Metro Manila na bumili din ng Covid-19 vaccines.
“This partnership with a world-class facility is proof that Taguig is ready to welcome the incoming vaccines and is doing everything it can to secure the temperature and quality of the vaccines from end to end — from cold storage to delivery at vaccination centers,” wika ng alkalde.
Nitong Biyernes, January 15,2021, ipinasilip ng pamahalaang lokal ng Taguid ang tinaguriang country’s first-ever world-class, fully automated cold storage facility.
Kasama ng alkalde ang mga opisyal ng city health office at si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na bumisita sa expansive 6,500-square-meter facility sa may Bagumbayan village.
Kumpleto sa iba pang mga components ang nasabing facility para matiyak na ang mga vials ay maaaring i transport mula sa storage facility patungo sa mga vaccination centers sa ilalim ng controlled temperatures.
“Taguig is ready. We are steadfast in our pledge of immunizing all Taguigeños and ending this battle against the coronavirus. We have cleared the highest standards in disease surveillance, testing and treatment, and we cannot drop the ball now. Vaccination is a crucial step in halting communicable diseases and this facility is necessary for us to deliver the life-saving vaccine from the laboratories to our citizens,” dagdag pa ni Mayor Cayetano.
Una ng inihayag ng pamahalaang lokal ng Taguig na nasa P1-Billion na pondo ang kanilang inilaan para sa pagbili ng bakuna para sa isang milyong mga residente nito.
Inanunsiyo kamakailan ni Mayor Cayetano na nagkaroon na ng pre-ordered vials ang Taguig mula sa biopharmaceutical company AstraZeneca at mayruon ding ongoing negotiations sa iba pang suppliers para i complement sa provisions mula sa national government.
Malaking hamon din sa logistics sa mga local government units ang pagbili ng bakuna gayong nangangailangan ito ng refrigeration.
Gaya na lamang ang AstraZeneca vaccine na nangangailangan ng fridge temperatires, habang ang Pfizers’ BNT162b2, ay nangangailangan ng intense sub-zero temperatures.
Dahil nga sa logistical challenge, ang Taguig ay nakipag partner sa ORCA Cold Chain Solutions cold storage facility.
“The building has a 22,000 MT static storage capacity and can move 876,000 MT on an annual basis. The facility is capable of real-time monitoring with IT software and digital technology. The facility is capable of real-time monitoring with IT software and digital technology. We are more than ready to deliver on our promise of immunizing our citizens against Covid-19 and, ultimately, ending an infection that has upended our lives,” wika ni Cayetano.
Dagdag pa ng alkalde, Setyembre pa ng nakaraang taon nagsimula ang pagpa plano para bumili ng bakuna.
“In the meantime, while we await the vials and vaccination, we have to continue cooperating with the city government and following the health and safety protocols. Until we have the vaccines on hand and the doses have been administered, we need to stay vigilant,” pahayag ni Cayetano.