-- Advertisements --

cayetanotaguig1

Pormal ng binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kanilang ika-4 at ika-5 vaccination sites, kahapon, Miyerkules, March 7,2021.

Patunay ito na lalo pang pinalakas ng Taguig City ang kanilang vaccination program.

Ang bagong vaccination sites ay matatagpuan sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School sa Barangay Central Signal.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang dalawang panibagong community vaccination centers ay karagdagan sa nauna ng tatlo na kinabibilangan ng Mega vaccination hubs sa Lakeshore sa Barangay Lower Bicutan, Visya Mall Parking Building sa Barangay Calzada at community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Sinabi ni Cayetano ang lungsod ng Taguig ay nagsimulang magbakuna noong Marso 31 sa mga COVID-19 Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Sa ngayon ay nagsimula na rin silang magbigay ng ikalawang dose ng bakuna mula sa A1 category o mga medical frontliners.

Siniguro ng pamahalaang lokal ng Taguig, magpapatuloy ang gagawing pagbabakuna sa mga Taguigenos hanggang sa maubos ang supply ng vaccine na ipinamahagi ng national government.

Inaasahan naman na sa third quarter ng taon darating ang COVID-19 vaccine na order ng Taguig City mula sa AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna, gagamitin ang mga ito sa pagbabakuna sa mga residente.

Sa sandaling dumating na ang mga biniling bakuna, asahan na rin na magdagdagan pa ang mga vaccination sites sa lungsod.

“Vaccination is one of the main components to contain the virus and move forward to the new normal. Despite the case surges and being under the ECQ guideline, Taguig is pushing all its efforts to strengthen our science-based and expert-approved initiatives,” pahayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Hnakayat din ng alkalde ang mga residente ng lungsod na magparehistro sa TRACE Taguig para sa vaccination schedule.