-- Advertisements --

vaccine5

Pormal ng binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kanilang ika-anim at ika-pitong vaccination sites na naglalayon para mapadali sa mga residente ang vaccination rollout ng siyudad.

Unang binuksan ng siyudad ang ika-4th Community Vaccine Center sa Western Bicutan National High School sa Barangay Western Bicutan kahapon April 13 habang ang 3rd Mega Vaccination Hub naman ay binuksan sa Samsung Hall, SM Aura sa BGC Taguig nuong April 14, 2021.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, sa ngayon mayroon ng apat na community vaccination center ang lungsod ng Taguig, matapos una ng buksan ang Community Vaccine Centers sa RP Cruz Elementary School, Maharlika Elementary School, at EM’s Signal Village Elementary School, habang mayroon ng tatlong Mega Vaccination hubs na kinabibilangan ng bagong bukas na SM Aura, at Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area at Vista Mall Parking Building.

vaccine7

Sinabi ni Mayor Cayetano, dahil sa pagbubukas ng mga bagong vaccination sites ay inaasahan na mas lalong mapapalakas ng lungsod ang vaccination rollout na ngayon ay patuloy nilang ginagawa sa mga health workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

“The city continues to vaccinate those who are in categories A1, A2, at A3. We prioritize them because they are the most vulnerable sector. These are the most vulnerable sectors that if infected, there are high chances that they will experience severe symptoms,” pahayag ng alkalde.

Batay sa datos ng City Health Office ng siyudad ay nakapagpabakuna na ng kabuuang 17,375 na residente; 9,445 na mga health workers, kung saan 926 sa mga ito ay naturukan na ng second dose; 3,500 senior citizens at 3,503 Non-senior with comorbidities.

vaccine3

Pangako naman ng Taguig LGU na mabakunahan ang lahat ng residente subalit sa ngayon ay naka depende ito sa supply mula sa national government.

Inaasahan naman na darating sa ikatlong quarter ng taon ang supply ng AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna na binili ng Taguig local government.

Siniguro naman ni Cayetano na bukas ang mga nasabing vaccination hubs kahit weekend at holidays para sa agarang pagpapabakuna ng mga residente, lalo at nananatili ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hinimok naman ang mga residente na magparehistro sa Taguig TRACE upang masiguro sa kanilang bakuna bilang parte ng streamlined vaccination process ng gobyerno o kaya ay bisitahin lang ng mga residente ang Facebook Page ng I Love Taguig para sa karagdagang impormasyon kung paano magparehistro ang mga residente sa TRACE.

Samantala, pinuri naman ng mga senior citizens ng siyudad ang Covid-19 vaccination program ng siyudad.

Ayon naman kay Dr. Jennifer Lou Lorico – De Guzman head, Medical Coordinator Nat’l Immunization Program of Taguig, na ang mga bagong activated na vaccination sites ay para sa mga residente na nakatira sa Barangays Fort Bonifacio at Barangay Pinagsama.

“W’e are thinking of innovations on having our vaccination hubs more comfortable, more convenient, our vaccination operations are already in the pipeline soon so that we can sustain our goal to protect our constituents,” pahayag ni Lorico-De Guzman.