Pormal ng binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kanilang ika-walong vaccination sites kanina, April 28,2021 na matatagpuan sa
second floor of B7, Lane P, Bonifacio High Street East in Fort Bonifacio.
Layon ng local government na mapalakas pa ang kanilang COVID-19 vaccination capabilities.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ito na ang ika-apat na mega vaccination hub ng siyudad.
Bukas ito mula alas-8 am hanggang alas- 5 pm , Lunes hanggang Sabado at maaaring maka-accomodate ng 400 vaccinees daily.
Katuwang ng siyudad sa pag-operate ng nasabing vaccination hub ang AC Health ng Ayala Group.
“We are grateful to our private partner for its commitment to help us reach more people by building accessible and easy to locate vaccination hubs,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.
Ang Taguig ay mayruon pang tatlong mega vaccination hubs na matatagpuan sa Samsung Hall sa SM Aura, Lakeshore area, at Vista Mall Parking Building.
Mayruon din apat na community vaccine centers na naka stationed sa RP Cruz Elementary School, Maharlika Elementary School, EM’s Signal Village Elementary School, at Western Bicutan National High School.
Bukod sa mega at community vaccination centers, inilunsad din ng Taguig ang kanilang Mobile Vaccination Bus, na siyang idi-deploy sa mga piling komunidad at maka-accomodate ng 200 vaccinees daily.
Sa datos ng Taguig City Health Office, as of April 26, 2021, ang Taguig ay nakapag bakuna na ng 29,603 residents mula sa priority groups A1-A3; 9,958 healthcare workers; 9,880 senior citizens, at 10,157 persons with comorbidities.
Habang nasa kabuuang 1,517 na ang nabigyan ng second doses ng bakuna.
Para naman duon sa mga nais magpabakuna, dapat sasailalim sa vaccine registration at magkaroon ng QR code sa pamamagitan ng Taguig TRACE. TAGUIG INFO.
Ipapadala sa pamamagitan ng SMS o text message ang mga vaccination schedule at ang venue.
Tanging ang mga nagparehistro at ang mga naka iskedyul ang bibiyang prayoridad ng mga healthcare workers.
Hindi papayagan ng siyudad ang mga walk-ins.